Hawks napakinabangan si Bazemore; James umiskor ng 19 pts para sa Cavs
ATLANTA -- Patuloy ang paghahanap ng Atlanta Hawks ng paraan para mapanatili ang kanilang pinakamahabang winning streak sa franchise history.
Ngayon, si Kent Bazemore ang naging surprise star galing sa bench.
Nalampasan ng Atlanta ang iniskor na 37 points ni LaMarcus Aldridge ng Potland Trail Blazers para kunin ang kanilang ika-18 sunod na panalo matapos kumamada sa final period patungo sa 105-99 panalo.
Apat na beses nagtabla ang Hawks at ang Trail Blazers sa fourth quarter bago nakalayo ang Atlanta na sinimulan ng basket ni Al Horford, tumapos na may 17 points.
“We got stops when we needed to and really got into a rhythm offensively,” wika ni Horford.
Nakulangan ang Hawks ng mga wing players sa harap ng sellout crowd.
Si DeMarre Carroll ay may left Achilles strain, habang ang kanyang kapalit na si Thabo Sefolosha ay naglaro lamang ng dalawang minuto dahil sa kanyang right calf strain.
Isinalpak naman ni Bazemore, ang third option ng Atlanta sa small forward, ang kanyang unang tatlong tira at tumapos na may 12 points, 5 rebounds, 3 assists, 2 steals at 1 block.
Naglaro si Bazemore, ginagamit lamang sa loob ng 12 minuto bawat laro, ng halos 40 minuto.
Sa Cleveland, nakausap ni LeBron James ang mga Cavaliers team doctors noong Biyernes ng gabi para magdesisyon kung maglalaro siya matapos magkaroon ng sprained right wrist.
“They said it was my call and obviously you guys know what my call is,” sabi ni James makaraang umiskor ng 19 points sa 101-90 panalo ng Cleveland laban sa Sacramento Kings.
Ito ang pang-siyam na sunod na panalo ng Cavaliers.
Nagtala naman ng pinagsamang 44 points sina Kevin Love at Kyrie Irving para sa Cavaliers.
Sa Miami, bumangon ang Dallas Mavericks mula sa isang 16-point deficit sa second half para resbakan ang Heat, 93-72.
Isang 37-2 atake ang inilunsad ng Mavericks para sa ika-600 regular-season victory ni Dallas coach Rick Carlisle.
Iniwanan ng Miami ang Dallas sa 49-33sa third quarter bago umarangkada ang Mavericks.
Hindi naglaro ang mga may injury na sina superstars Dwyane Wade at Luol Deng para sa Heat.
Umiskor si Charlie Villanueva ng 14 sa kanyang season-high na 20 points matapos ang halftime para sa Dallas.
- Latest