^

PM Sports

Pinas sasabak sa 2 volleyball meet

Pang-masa

MANILA, Philippines - Higit sa 30 manlalaro ang nagpatala para pagpi­lian sa bubuuing national women’s team para sa Southeast Asian Games sa Singapore.

Ang bilang na ito ay puwede pang tumaas dahil bukas pa sa pagtanggap ng mga manlalaro ang bagong volleyball federation na Larong Volleyball ng Pilipinas (LVP).

“Sa listahan ay may 30 pangalan ang nakapasok na pero may inaasahan  pang darating dahil sa Lunes pa ang meeting namin  ng coaching staff,” wika ni POC 1st VP Joey Romasanta, inaasahang mauupo bilang pa­ngulo ng LVP.

Sina Roger Gorayeb at Sammy Acaylar ang inilagay ni Romasanta bilang coaches para sa dalawang torneo na sasalihan ng bansa.

Bukod sa SEA Games, lalahok din ang bansa sa Asian U-23 Women’s Championship na idaraos sa bansa.

Target ng bansa ang hindi bababa sa bronze medal na pagtatapos sa Singapore SEA Games pero sa 2017 ay ginto na ang pupuntiryahin ng koponan, ayon kay Ro­masanta. (ATan)

 

ASIAN U

BUKOD

HIGIT

JOEY ROMASANTA

LARONG VOLLEYBALL

PILIPINAS

SAMMY ACAYLAR

SINA ROGER GORAYEB

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with