Purefoods Hotshots sasalang na
MANILA, Philippines - Ang liderato ang kaagad puntirya ng Meralco at ng Globalport, habang sisimulan naman ng Purefoods ang kanilang pagtatanggol sa korona.
Sasagupain ng Bolts ang Kia Carnival nga-yong alas-4:15 ng hapon kasunod ang banggaan ng Batang Pier at ng Hotshots sa alas-7 ng gabi sa 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Imbes na manghina-yang dahil sa paghugot ng Barangay Ginebra kay balik-import Michael Dunigan ay napaganda pa ang pagkuha ng Meralco kay Josh Davis.
“We scrambled and we were able to get a good import in Josh Davis and he delivered for us,” ani Meralco coach Norman Black kay Davis na nagtala ng 25 points at 24 rebounds laban sa Gin Kings noong Martes. “For Dunigan, it’s all water under the bridge right now.”
Inaasahan ni Black na gaganda pa ang laro ng 23-anyos na San Diego standout.
“We just looked like we’re in better shape this time around, and of course, once we blend in with our import, we’ll continue to get better,” wika pa ni Black.
Pansamantala namang ipaparada ng Purefoods ni mentor Tim Cone si Marqus Blakely habang hinihintay pa si Daniel Orton laban sa Globalport, umiskor ng 100-89 panalo kontra sa Kia.
Sa kanyang debut game ay humakot si import CJ Leslie ng 33 points, 15 rebounds at 5 blockshots para sa tagumpay ng Batang Pier kontra sa Carnival.
Samantala, kinuha ng Blackwater si naturalized import Marcus Douthit bilang kapalit ni Chris Charles, nagkaroon ng hamstring injury sa kanilang tune-up game bago ang komperensya.
- Latest