Phl riders pinu-push ng PhilCycling sa Le Tour
MANILA, Philippines - Hinikayat ng PhilCycling ang national men’s team na piliting kunin ang titulo ng 6th edition ng Le Tour de Filipinas na pakakawalan sa Linggo sa Balanga, Bataan.
Maliban sa naturang UCI Asia Tour road race na inihahandog ng Air21 katuwang ang MVP Sports Foundation at Smart, sasabak din ang koponan sa Asian Cycling Championships sa Thailand ngayong buwan at sa Singapore Southeast Asian Games sa Hunyo.
“It is always very inspiring for our cyclists to win an international race on home soil and a victory could translate into a heightened enthusiasm toward cycling,” sabi ni Donna Lina-Flavier, ang presidene ng Le Tour de Filipinas organizer Ube Media. “But ranged against 12 continental team and two national teams from countries [Kazakhstan and Uzbekistan] with winning traditions in cycling, the Filipino riders would not be expecting a cruise but a grind for all of the four days of the Tour.”
Pangungunahan ni defending champion Mark John Lexer Galedo, ang time trial gold medalist noong 2013 Myanmar Sea Games, ang PhilCycling National Team na magsasanay sa Belgium bilang paghahanda sa Singapore Games kasama ang 20-anyos na si Ro-nald Lomotos, ang 22-anyos na sina George Oco-ner, Incheon Asian Games veteran Ronald Oranza at Jun Rey Navarra.
Sisimulan ang apat na araw na karera sa Linggo ng 126-km Balanga-Balanga (Bataan) Stage One kasunod ang 153.75-km Balanga-Iba (Zambales) Stage Two, ang 149.34-km Iba-Lingayen (Pangasinan) Stage Three bago ang 101-km Lingayen-Baguio City Stage Four.
- Latest