Hoping pa rin si Pacquiao
MANILA, Philippines - Kahit sinasabi ni Floyd Mayweather Jr. ang Top Rank boss na si Bob Arum na dahilan para hindi maitakda ang kanilang labanan, kumpiyansa pa rin ang Filipino world eight-division champion na si Manny Pacquiao na mangyayari ang kanilang salpukan sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“I think it will happen, I believe that,” wika ni Pacquiao sa panayam ng BoxingScene.com. “If this doesn’t happen now, I don’t think it will, so now is the time. If you ask me what the percentage is, it’s 80-20 (that it will happen),” dagdag pa ng Sarangani Congressman.
Pinabulaanan ng Showtime/CBS na may inihanda nang fight contract si Arum para sa Pacquiao-Mayweather mega showdown.
Sinabi ni Arum na pirma na lamang ang kailangan para pormal na maihayag ang salpukan ng 36-anyos na si Pacquiao at ng 37-anyos na si Mayweather, may exclusive contract sa Showtime/CBS.
Ayon kay Pacquiao, wala nang magagamit na dahilan si Mayweather para iwasan siya.
“He’s got no alibi. Blood testing is no longer a problem, Bob Arum – the promoter – is no longer a problem. Now there are no more problems,” sabi ni Pacquiao. “The fans are pressuring him. I tell them we have agreed to everything – the rules and regulations are not a problem.” (RC)
- Latest