Alaska handang ipahiram sina Abueva at Casio sa Gilas
MANILA, Philippines - Handang ipahiram ng Alaska sina small forward Calvin Abueva at guard JVee Casio kung hihilingin ni Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin.
Ito ang sinabi ni PBA governor at team manager Dickie Bachmann.
“We support the Gilas Pilipinas program. We’re willing to lend our players to the national team but they can only attend and not join the Gilas practices until our PBA season is over,” wika ni Bachmann.
Sinasabing maaaring ikunsidera ni Baldwin sina Abueva at Casio sa kanyang bagong national pool.
“Calvin should be shoo-in and JVee should be in there too being among the country’s best point guards right now,” sabi pa ni Bachmann.
Nilinaw ng Alaska official na maipapahiram lamang nila ang kanilang mga players pagkatapos ng PBA season.
Ito ang naging dahilan kung bakit isinuko ni Sonny Thoss ang kanyang puwesto sa original pool ni dating Gilas Pilipinas coach Chot Reyes.
Ang 6-foot-8 na si Thoss ay miyembro ng Gilas team na naghari sa Jones Cup noong 2012 sa Chinese-Taipei.
Ngunit hindi siya sumama sa pagpunta ng Gilas sa New Zealand para sa paghahanda sa 2013 FIBA-Asia Championship na idinaos sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. (Nelson Beltran)
- Latest