^

PM Sports

Lady Chiefs kampeon sa NCAA volleyball

Pang-masa

Laro SA LUNES

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. – EAC vs CSB

(Game 3, Finals)

 

MANILA, Philippines - Gumawa ng kasaysayan ang Arellano Lady Chiefs nang kanilang pagreynahan sa unang pagkakataon ang 90th NCAA women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ipinagpag ng Arellano ang mahigpit na hamon ng San Sebastian, 25-23, 25-19, 26-24 para ma-sweep  ang kanilang best-of-three serye.

Napagtagumpayan din ng Perpetual Help Junior Altas ang pinuntirya na maging kampeon uli sa juniors division, pero minalas ang St. Benilde Blazers  sa men’s division.

Si Menchie Tubiera ay naghatid ng 16 kills at dalawang blocks habang nagsanib sa 21 puntos sina Cristine Joy Rosario, Shirley Salamagos at Danna Henson para makumpleto ang 2-0 sweep sa best-of-three championship series  laban sa multi-titled San Sebastian Lady Stags.

Ang panalo ang tumabon na sa pait na nangyari sa koponan noong nakaraang taon nang isang set na lamang ang kanilang kailangan para makuha ang titulo ngunit nakahulagpos ito at ibigay uli ang kampeonato sa Perpetual Help Lady Altas.

“Determinado ang lahat na huwag ng bitiwan ang titulo,” wika ni Arellano coach Obet Javier sa kanilang kauna-unahang kampeonato sa pinakamatandang collegiate league sa bansa.

May game high 24  hits si Gretchel Soltones at isa lang dito ang hindi ginawa sa pag-atake.

Ngunit bumitaw ang Lady Stags sa mga krusyal na puntos na pinaglabanan sa una at ikatlong set para manatiling walang titulo mula Season 86.

Naunang umararo ang Junior Altas ng 25-15, 25-23, 25-19 straight sets tagumpay sa Lyceum Junior Pirates para sa titulo na huli nilang natikman noong 2010.

Ang tanging koponan na hindi nakapagselebra ay ang Blazers na naisuko ang 22-25, 25-21, 25-21, 15-25, 13-15 panalo sa Emilio Aguinaldo College Generals.

Hindi nagpapigil si Howard Mojica na nagpakawala ng 33 puntos, lakip ang 28 kills, habang tig-10 pa ang ibinigay nina Keith Melliza at Sid Reymond Gerella para maitabla ang tagisan sa men’s title sa 1-1.

Magkikita uli ang da-lawang koponan sa Lunes para sa titulo. (AT)

ARELLANO

ARELLANO LADY CHIEFS

CRISTINE JOY ROSARIO

DANNA HENSON

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

GRETCHEL SOLTONES

HOWARD MOJICA

JUNIOR ALTAS

KEITH MELLIZA

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with