^

PM Sports

Ronda Pilipinas pagtutuunan ang mga siklistang Pinoy

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos gawing international ang karera noong nakaraang taon, ang 2015 Ronda Pilipinas na handog ng LBC ay makakikilala bilang Balik-Pinoy Ronda.

Sa pagdalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate ni Jack Yabut, ipinagmalaki niya na mga siklistang Pilipino ang pag-aalayan ng karera sa taong ito at ang mananalo sa individual category ay magkakamit ng P1 milyong piso.

“Noong nakaraang taon ay nag-international edition ang Ronda.  Pero matapos nito ay nagkasundo ang lahat na dapat ay pagtuunan muna ang development ng mga local cyclists. Bigyan sila ng torneo na maghahanda sa kanila sa malalaking kompetisyon kasabay ng pagtuklas ng mga batang siklista kaya ang edisyong ito ay para sa mga Pilipino,” wika ni Yabut, ang administrator ng karera.

Bunga nito, ang mga siklistang edad 17-anyos ay puwede nang sumali ngunit ang distansya ng kanilang paglalabanan ay mas maigsi kumpara sa mga may edad na katunggali base sa alituntunin ng internatio-nal federation (UCI).

Minabuti rin ng mga nasa likod ng karerang ito na alisin ang team competition sa championship round mula Pebrero 22 hanggang 27 dahil kakaunti lamang ang sumasali rito.

Ang nagdedepensang kampeon na si Reimon Lapaza ng Butuan City ay pasok na sa tournament pro-per katulad  ng mga national riders na mapipili para sumali sa Asian Cycling Championships sa Thailand mula Pebrero 10 hanggang 14.

Ang ibang mga Pinoy na marunong magbisikleta ay puwedeng sumali sa eight-stage championship round kung makakapasa sa tatlong regional eliminations na gagawin ng organizers.

Sisimulan ito sa Mindanao mula Pebrero 8 at 9 sa pamamagitan ng Butuan City-Cagayan de Oro at Tubod sa Lanao del Norte-Dipolog City races.

Ang Visayas leg ay gagawin mula Pebrero 11 at 12 na Dumaguete-Sipalay at Bacolod-Bacolod races habang ang Luzon elims ay sa Pebrero 15 at 16 na Antipolo-Antipolo at Tarlac-Tarlac races.

Ang mangungunang 30 siklista sa elite at top three sa 17-18 category ang aabante sa championship round.

Pasisiglahin ang aksyon sa anim na araw na tagisan sa paglahok ng isang European composite team. (AT)

ANG VISAYAS

ASIAN CYCLING CHAMPIONSHIPS

BALIK-PINOY RONDA

BUTUAN CITY

BUTUAN CITY-CAGAYAN

JACK YABUT

NORTE-DIPOLOG CITY

PEBRERO

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with