NU bumandera sa UAAP men’s tennis
MANILA, Philippines - Inilista ng two-time champion National University ang kanilang ika-24 sunod na panalo para pamunuan ang kompetisyon sa UAAP Season 77 men’s tennis tournament sa Olivarez Sports Center.
Sa pamumuno ni Most Valuable Player Fritz Verdad, itinala ng Bulldogs ang magkatulad na 4-1 panalo laban sa University of the East at Ateneo De Manila University.
Nagsalo sa liderato ang NU, 2014 runner-up University of the Philippines at ang University of Sto. Tomas sa magkakatulad nilang 2-0 baraha, habang may 0-2 marka naman ang La Salle, Ateneo at UE.
Tinalo ng Fighting Maroons ang Blue Eagles, 4-1, bago ungusan ang Green Archers, 3-2.
Pinadapa naman ng Growling Tigers ang Green Archers, 3-2, at kinuha ang 4-1 tagumpay sa Red Warriors.
Sa women’s division, ikinasa ng UST ang 2-0 slate matapos ang mga panalo kontra sa UP, 4-1, at Season 75 titlist na La Salle, 3-2.
Si Kendies Malinis ang siyang nanguna sa naturang mga panalo ng Tigresses.
Sa likod naman nina MVP Christine at rookie Clarice Patrimonio, giniba ng Lady Bulldogs ang Lady Maroons, 4-1.
May 1-1 kartada ang Lady Archers, kinuha ang 4-1 panalo sa Lady Eagles sa opening day.
Tangan naman ng Ateneo at UP ang 0-1 at 0-2 record, ayon sa pagkakasunod.
- Latest