^

PM Sports

Makakabuti ang AIBA Pro Boxing para sa PHL boxers-- Vargas

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi masama kungdi makabubuti ang pagsali ng pambansang boksingero sa AIBA Pro Boxing.

Ito ang inihayag ng pangulo ng ABAP na si Ricky Vargas para tugunan ang pambabatikos na inaabot ng National Sports Association mula sa mga sports officials ng PSC at POC.

Ayon kay Vargas, ang APB ay isa sa gagamitin ng AIBA bilang qualifying event para sa 2016 Rio de Janeiro Olympics at  ang pagkakapasok nina Olympian at Myanmar SEA Games gold medalist Mark Anthony Barriga at Incheon Asian Games silver medalist Charly Suarez, sa torneo ay magpapalakas sa hangarin ng bansa na may kinatawan sa boxing sa prestihiyosong torneo sa buong mundo.

“This is in line with our long-term goal to have more boxers qualify in the Olympics and increase our chances for a medal without sacrificing our short-term goals,” wika ni Vargas. “APB is good for our boxers and for Phi-lippine boxing. Rest assured we would never do anything detrimental to the national sports program.”

Nalalagay sa kontrobersiya ang ABAP matapos ihayag na wala na silang balak isali sina Barriga at Suarez sa bubuuing pambansang delegasyon para sa SEA Games sa Singapore ngayong Hunyo upang pagtuunan ang APB.

Ang top eight boxers sa bawat dibisyon ang siyang pinahintulutan ng AIBA na sumali sa APB na kahit may salitang professional at tumatanggap ng bayad sa bawat laban ay nananatiling isang amateur at puwedeng maglaro sa mga AIBA tournaments.

Ngunit nakasaad din sa alituntunin ng APB na ang mga kasaling boksingero ay puwede na lamang maglaro sa mga World at Continental Championships at hindi sa mga mabababang torneo tulad ng SEA Games.

Dahil naghahabol ng ginto ang Pilipinas para ma-kabangon sa pinakamasamang ikapitong puwestong pagtatapos sa SEA Games na nangyari sa Myanmar, nababahala sina PSC chairman Ricardo Garcia at POC 1st Vice President Joey Romasanta sa aksyon ng ABAP.

Binanggit pa ni Garcia na mawawala sa priority list sina Barriga at Suarez habang sinabi ni Romasan-ta na hindi kapakanan ng bansa ang inisip ng ABAP nang sumali sa APB at dapat na ilabas ang pinirma-hang kontrata para magkaroon ng transparency.

Ipinaliwanag ni Vargas na walang alingasngas sa pagsali ng Pilipinas sa APB dahil ito ay palaro ng kanilang international federation.

Kasabay nito ay ang paghahayag pa ni Vargas ng lubusang paniniwala sa kakayahan ng ibang national boxers na puwedeng ipalit kina Barriga at Suarez para sa Singapore Games.

“We have full confidence in our other boxers. While we cannot guarantee gold medals (the same way we cannot guarantee that Barriga and Suarez will win), we believe in the skill, ability and determination of those who will step up to the plate. We take full responsibi-lity for our choices for the Singapore SEA Games,” sabi pa ni Vargas. (AT)

vuukle comment

APB

BARRIGA

BARRIGA AND SUAREZ

CHARLY SUAREZ

CONTINENTAL CHAMPIONSHIPS

GAMES

INCHEON ASIAN GAMES

JANEIRO OLYMPICS

SUAREZ

VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with