EAC Generals lumapit sa finals berth sa NCAA
MANILA, Philippines - Sumandal ang Emilio Aguinaldo College kay Howard Mojica para talunin ang College of St. Benilde, 25-19, 25-20, 25-20, at makalapit sa isang finals ticket sa men’s division ng 90th NCAA volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Humataw si Mojica ng isang 27-hit performance tampok ang 26 kills para sa ikalawang sunod na panalo ng Generals sa single-round robin semifinals.
Kailangang talunin ng EAC ang nagdedepensang Perpetual Help bukas para makapasok sa championship round.
Umiskor naman ang Altas, isinuko ang 12-25, 27-29, 25-19, 20-25 kabiguan sa Blazers noong Miyerkules, ng 30-28, 25-18, 25-19 panalo kontra sa Arellano University Chiefs.
Dapat biguin ng Las Piñas-based spikers ang Generals para buhayin ang kanilang tsansa sa ‘five-peat’.
Nauna nang yumukod ang Perpetual Help sa EAC sa elimination round na tumapos sa 54-match streak ng Altas sa loob ng apat na seasons.
Inaasahang makakamit ni Mojica ang Most Valuable Player trophy ngayong season.
- Latest