^

PM Sports

Fil-Am swimmer sa Phl SEAG team?

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni national swimming coach Pinky Brosas si Fil-Am Elizabeth ‘Lily’ Jordana na sumali sa long-course events at pagtuunan ang 200-meter individual medley sa kanyang pagbabalik sa US bilang preparasyon sa Southeast Asian (SEA) Games sa Singapore sa June 5-16 sakaling ipatawag siya para maging bahagi ng Philippine team.

Nag-try-out ang 18-anyos na si Jordana na binantayan ni Brosas sa PhilSports Complex pool sa Pasig noong Martes. Naroroon din sina  PSC chairman Richie Garcia, POC first vice president Joey Romasanta at POC treasurer/SEA Games chef de mission Julian Camacho.  Pagkatapos ng 30-minute warmup, nag-laps si Jordana ng freestyle, backstroke, breaststroke at butterfly ng halos isang oras. 

“She’s quite explosive,” sabi ni Brosas.  “She has good flexibility and rotation.  I think she’s a late bloomer as her body is still filling out.  My estimate is she’s got at least four years of competitive swimming ahead.  The coming SEA Games won’t be a closure for her, it’ll be the beginning.  Her window is only opening up.  There’s no doubt, she has potential.”

Sinabi ni Brosas na maaaring magkaroon ng slot si Jordana sa swimming team para sa SEA Games.  “She could join the relay and depending on her times, some individual events,” aniya.  “I want her to compete in long-course events in the US so we can get her most recent times. She has a very positive attitude. If she makes the qualifying cut, we’ll bring her to Singapore but that also depends on whether she can get her Philippine passport and clearance from the US Swimming Association.”

Sinabi ng Pinoy na tatay ni Jordana na si Martin, a-apply nila ang kanyang dual citizenship sa Philippine consulate sa San Francisco. Si Martin, ipinanganak at lumaki rito sa Pilipinas ay isa na ngayong US citizen at napangasawa ang Amerikanang si Sarah Davis. 

Valid pa rin ang Philippine passport ni Martin nang ipanganak si Jordana sa US. Dumating ang kanyang buong pamilya rito sa Pinas para sa dalawang linggong bakasyon at bumalik na sa Houston noong Miyerkules.

Isinama ang pangalan ni Jordana sa listahan ng mga Filipino athletes para sa accreditation sa SEA Games.  Ang final lineup ay isusumite sa Singapore organizers sa April. Inaasahang may Filipino passport na si Jordana sa mga panahong ito kasama ang clearance mula sa US Swimming Association at certification mula sa POC at Philippine Swimming, Inc.

vuukle comment

BROSAS

FIL-AM ELIZABETH

JOEY ROMASANTA

JORDANA

JULIAN CAMACHO

PHILIPPINE SWIMMING

PINKY BROSAS

SWIMMING ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with