^

PM Sports

Emilio Aguinaldo spikers nakalapit sa finals

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakabangon ang Emilio Aguinaldo College sa first set loss para balikan ang Arellano University, 24-26, 25-19, 25-21, 25-17 at palakasin ang kanilang tsansa sa ikalawang championship appearance sa 90th NCAA men’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Humataw si Howard Mojica ng match-high na 24 hits, ang 21 ay mula sa kills, para sa unang panalo ng Generals sa semifinals at makalapit sa una nilang best-of-three finale.

Umabante ang EAC sa finals noong nakaraang taon ngunit tinalo ng Perpetual Help na dumiretso  sa kanilang pang-apat na sunod na titulo.

Ngayong season ay hindi pa natatalo ang Ge-nerals ng isang laro sa kanilang 10 asignatura, kasama dito ang nine-game sweep sa elimination round.

Pinatibay din ng College of St. Benilde ang kanilang pag-asa sa finals nang gitlain ang five-peat-seeking Perpetual Help, 25-12, 29-27, 19-25, 25-20.

Nagpamalas si Johnvic de Guzman ng kaha-nga-hangang 33-hit performance para sa tagumpay ng Blazers laban sa Altas.

 

vuukle comment

ALTAS

ARELLANO UNIVERSITY

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

GUZMAN

HOWARD MOJICA

HUMATAW

JOHNVIC

PERPETUAL HELP

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with