$120M na alok kay Mayweather binawi na ng promoter mula sa UAE
MANILA, Philippines - Binawi na ng boxing promoter mula sa UAE ang alok na $120 milyon kay Floyd Mayweather Jr. para labanan si Manny Pacquiao sa Dubai ngayong taon.
Sa ulat ng boxingscene.com, sinabi ni Akbar Muhammad ang kanyang pagkadismaya sa pagbabalewala ni Mayweather sa alok ng kanyang grupo.
“We want to deal with serious individuals, individuals who have the ability to make a decision. Regretfully, that is not the case with Mr. Mayweather,” sabi ng boxing executive.
Inihayag ng grupo ang kanilang offer kay Mayweather noong November ng nakaraang taon sa pag-asang maitatanghal nila ang pinakamalaking laban sa kasaysayan ng boxing. Ngunit hindi na ito mangyayari.
“The Abu Dhabi group is serious, and I will not allow them to dangle an inordinate amount of time. Now that time has come and the offer is gone,” sabi pa ni Muhammad na may iniwan pang mensahe sa kampo ng American boxer. “If Mr. Mayweather wishes to pass on, in essence, $120 million net dollars and, instead, fight for hot dog money, all I can say is that ‘The Money Team’ might consider rethinking its nickname.”
Laging sinasabi ni Pacquiao na gusto niyang kalabanin si Mayweather na lantaran niyang hinamon matapos talunin si Chris Algieri sa Macau noong nakaraang taon.
May ulat na may nangyayaring negosasyon sa pagitan ng Top Rank at ng kampo ni Mayweather ngunit wala pang balita kung may napagkasunduan na.
Gayunpaman, naghihintay ang buong mundo na mangyayari ang labang inaaba-ngan ng lahat.
- Latest