... kaya pahinga rin ang UAAP
MANILA, Philippines - Katatapos lang ng dalawang linggong Christmas break ay magpapa-hinga uli ang University Athletic Association of the Philippines, Season 77 bilang pagbibigay daan sa Jan. 15-19 Papal visit.
Pagkatapos ng last playdate ng first round ng women’s volleyball Finals rematch sa pagitan ng defending champion Ateneo at De La Salle sa Mall of Asia Arena, wala nang naka-schedule na laro habang nandito si Pope Francis sa bansa.
Ang second round action ay magsisimula sa Jan, 21.
Isang linggo ring magpapahinga ang football competitions matapos ang Jan. 14 doubleheader sa FEU-Diliman pitch. Magpapatuloy ang aksiyon sa Jan. 21 kung saan may tiga-lawang laro sa FEU-Diliman at Moro Lorenzo Football Field sa Ateneo.
Ang opening weekend matches (Rounds 1 at 2) ng Season 77 chess tournament ay nakatakda sa Jan. 10-11 sa Henry Sy Sr. Building sa De La Salle campus bago mag-break.
Ang pagsasara ng Rizal Memorial ang dahilan para iurong ng UAAP ang pagbubukas ng Season 77 baseball at softball competitions na magsisimula sana ngayong weekend.
Sa memo ng host University of Santo Tomas, ang softball ay magsisimula sa Jan. 24 tampok ang Ateneo versus National U, La Salle versus UST at UP vs UE.
Ang baseball ay magbubukas sa Jan. 25 kung saan sisimulan ng Ateneo ang kanilang title defense kontra sa Adamson, DLSU vs UP at UST vs NU.
- Latest