^

PM Sports

Hapee, Cagayan semis na

Pang-masa

MANILA, Philippines – Napanatili ng Hapee Fresh Fighters at Cagayan Valley Rising Suns ang kanilang winning streaks para angkinin din ang dalawang awtomatikong puwesto sa semifinals sa PBA D-League Aspirants’ Cup na nagdaos ng unang laro sa bagong taon kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Nagtrabaho ang Fresh Fighters sa ikalawang yugto  nang lumamang sa 23-12 palitan para iwanan na ang Racal Motors Alibaba, 70-60.

Hindi nakasama ng tropa ni coach Ronnie Magsanoc ang mga higanteng sina Ola Adeogun at Arnold Van Opstal na nasa Nigeria at Germany pa, pero hindi nagpapigil si Troy Rosario na gumawa ng 20 puntos at may walong rebounds. Si Garvo Lanete ay may 9-points habang si Parks ay may 6-puntos at 6-assists para angkinin ng Hapee ang ikasiyam na sunod na panalo.

Si Abel Gallinguez ay may 20 puntos at 11 rito ay ginawa sa huling yugto para sa 89-78 panalo ng Ri-sing Suns sa AMA University Titans.

Ang triple ni Marcy Arellano ang naglapit sa AMA sa tatlo, 65-68 sa huling 8:05 ng laro ngunit nag-init si Galliguez na nagsalpak ng apat na buslo para kunin ang ikawalong sunod na panalo.

Nanatili ang Jumbo Plastic Giants sa ikaapat na puwesto sa  6-3 baraha nang padapain ang Tanduay Light Rhum Masters, 68-59 sa ikatlong laro.

May 14 puntos si Philip Paniamogan para sa Giants upang tapusin ang apat na sunod na panalo ng Rhum Masters tungo sa 4-5 karta. (AT)

ARNOLD VAN OPSTAL

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

D-LEAGUE ASPIRANTS

FRESH FIGHTERS

HAPEE FRESH FIGHTERS

JUMBO PLASTIC GIANTS

MARCY ARELLANO

OLA ADEOGUN

PHILIP PANIAMOGAN

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with