Magandang panimula ng Mo Neck
MANILA, Philippines – Dinaig ng kabayong Mo Neck ang Fort Rae para sa magandang panimula ng kampanya sa 2015 na nangyari noong Sabado sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.
Isang class division 1-A sa 1,400-metro ang karera at lumabas ito bilang pinakamahigpit na pinaglabanan sa 11 karerang idinaos sa unang araw ng pista sa Metro Turf Club.
Slight favorite ang Fort Rae sa pagdadala ni Dan Camañero habang second choice ang Mo Neck na diniskartehan ni Jeff Zarate at kinailangang daanin sa photo finish ang labanan bago nakitang naunang lumusot ang ilong ng huli tungo sa panalo.
Naorasan ang limang taong gulang na Mo Neck na huling nanalo noong Disyembre 13, ng 1:27.6 sa kuwartos na 13’, 22’, 24, 27’ at nakapaghatid pa ng P20.00 sa win. Ang 2-4 forecast ay mayroong P15.50 dibidendo.
Tinapos din ng Sa Totoo Lang ang mahigit na dalawang buwan na kawalan ng panalo nang do-minahin ang class division 1 race eight.
Si JL Paano ang suma-kay sa kabayo na ipinakita ang magandang kondisyon para makuha ang panalo laban sa walong iba pang katunggali.
Noon pang Oktubre 14 huling kuminang ang Sa Totoo Lang.
Ang pumangalawa sa datingan ay ang Gold On Fire at nagpasok ito ng P567.50 sa forecast habang ang win ay mayroong P97.00 na ipi-namahagi.
Ang iba pang nagwagi ay ang mga kabayong Never Cease sa race one, Mayday sa race two, Angeluz sa race three, Dikoridik Koridak sa race four, Sweet Victoryu sa race five, Monalisa’s Smile sa race six, Unthinkable sa race seven, Yes Music sa race 10 at Rightsaidfred sa race 11. (AT)
- Latest