Alfafara nanguna sa MVP race
LARO BUKAS
(The Arena, San Juan)
8 a.m. – ADMU vs UE (men)
10 a.m. – UP vs NU (men)
2 p.m. – UP vs ADMU (women)
4 p.m. – UE vs DLSU (women)
MANILA, Philippines - Binanderahan ni Season 75 Most Valuable Player Mark Alfafara ng University of Sto. Tomas ang karera para sa individual award ng men’s UAAP voleyball tournament.
Humataw si Alfafara ng 106 points mula sa kanyang 95 spikes, 8 blocks at 3 service aces para pamunuan ang MVP race.
Kasunod niya ang karibal na si Marck Espejo, ang Season 76 Rookie-MVP, ng Ateneo na may 93 points buhat sa 78 attacks, 8 blocks at 7 service winners.
Ang iba pang nasa Top 5 ay sina University of the East rookie Edward Camposano (82 points), Romnick Rico (81) ng UST at si National University spiker Fauzi Ismail (76).
Tatlong players naman ng Bulldogs ang nangunguna sa key statistical departments base sa inilabas na ulat ng official statistician na TMX Sports.
- Latest