^

PM Sports

Nakatikim na panalo ang magic sa heat

Pang-masa

MIAMI – Umiskor si Nikola Vucevic ng 26 points, nagtala si Victor Oladipo ng pito sa kanyang 22-points sa huling maiinit na minuto ng labanan nang igupo ng Orlando Magic ang Miami Heat, 102-101 nitong Lunes ng gabi sa NBA.

Umiskor si Oladipo ng layup upang itabla ang iskor at ang kanyang free throw ang naghatid sa  Magic sa kalamangan tungo sa kanilang unang panalo sa Miami matapos ang 11 pagsasagupa.

Umiskor si Tobias Harris  ng 18 para sa Ma-gic  na nakakuha rin ng 13 mula kay Channing Frye.

Nagtala si Dwyane Wade ng 25 points para sa Miami na natalo ng 12 sa 18-home game.

Si Danny Granger ay may 21 points at umiskor si Chris Bosh ng 20 sa kanyang pagbabalik matapos mawala ng walong games dahil sa strained left calf.

Sa Indianapolis, gumagawa ng paraan si Jimmy Butler kung paano siya dapat katakutan para sa Chicago Bulls.

At binigyan niya ng problema ang Indiana Pacers.

Nagposte si Butler ng 27 points at 9 rebounds para banderahan ang Bulls  sa 92-90 panalo laban sa Pacers.

Ang three-point shot ni Butler sa huling 1:07 minuto ang nagselyo sa panalo ng Chicago kontra sa Indiana.

“Derrick (Rose) is always on me to shoot and to shoot 3’s and be aggressive,’’ sabi ni Butler. “I’m confident in my game, so I feel like I have to step up and take and make shots late.’’

Kumolekta si center Pau Gasol ng 20 points at nagdagdag ng 17 si Rose para sa Bulls (22-9) na pinalawig ang kanilang season-best winning streak sa pitong sunod.

Humugot naman si Chris Copeland ng 13 sa kanyang 17 points sa fourth quarter, habang nagdagdag sina George Hill at C.J. Miles ng tig-11 points sa panig ng Pacers (11-21), bumangon mula sa isang 21-point deficit sa second half.

CHANNING FRYE

CHICAGO BULLS

CHRIS BOSH

CHRIS COPELAND

DWYANE WADE

GEORGE HILL

INDIANA PACERS

POINTS

UMISKOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with