Magandang pagtatapos ng Dauntless
MANILA, Philippines – Nagkaroon ng magandang pagtatapos ang kabayong Dauntless kung pagtakbo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite ang pag-uusapan dahil nagwagi ito sa karerang sinalihan noong Linggo.
Si Rodeo Fernandez ang siyang dumiskarte sa dalawang taong filly na nakapagdomina sa PRCI Thanksgiving Special Race at pinaglabanan sa 1,200-metro distansya.
Pumangalawa ang kabayo sa nasabing pista noong Disyembre 1 pero kondisyon ang Dauntless para manalo sa Kara-ngalan na siyang patok sa anim na naglabanan.
Second choice ang Dauntless sa bentahan at naibigay ng tambalan sa winning connections ang gatimpalang P140,000.00.
Ito rin ang ikalawang panalo sa araw na ito ni Fernandez matapos pagha-rian ng Hook Shot ang idinaos na Philracom Juvenile Championship na inilagay sa 1,600-metro distansya.
Pumalo ng P6.00 ang win habang nasa P9.50 ang dibidendo sa 6-2 forecast.
Nakahabol din ng panalo sa huling buwan sa taong 2014 ang Manila’s Gem sa pagdiskarte ni Christian Garganta sa isa ring special race at nilagyan pa ng P140,000.00 premyo para sa mananalo lamang.
Sapat pa ang lakas ng Manila’s Gem para maisantabi ang hamon ng Gogosnakegosnakego sa pagsakay ni RO Niu Jr.
Ito ang ikalawang sunod na karera na nalagay sa pangalawang puwesto ang anim na taong Gogosnakegosnakego at ang 6-3 forecast ay may P31.50 dibidendo habang P12.50 ang naihatid sa win. (AT)
- Latest