Nowitzki nagbida sa panalo ng Dallas
DALLAS – Hindi sanay si Dirk Nowitzki sa posis-yon ng kanyang pinalitang si Tyson Chandler na nagkaroon ng back spasms kaya naman may 5-fouls na ito agad sa kaagahan ng fourth qurter.
Ngunit nagbalik si Nowitzki sa laro upang ihatid ang Mavericks sa come-from-behind win.
Pinantayan ni Nowitzki ang kanyang season high na 30 points, kabilang ang 10 sa huling 5-minuto, nagdagdag si Chandler Parsons ng 26 at tinalo ng Mave-ricks ang Oklahoma City Thunder, 112-107.
Lumaro ang Thunder sa ikaanim na sunod na pagkakataong wala si Kevin Durant dahil sa sprained right ankle. Kinapos sila sa ikatlong tsansang makaaabot sa .500 sa unang pagkakataon matapos mawala sina Durant at Russell Westbrook dahil sa injury, ng 14 sa unang 16 games ng Oklahoma.
Pinangunahan ni Serge Ibaka ang Oklahoma City sa kanyang season-high na 26 points ngunit nalimitahan sa isang tira at 2-puntos sa fourth quarter. Umiskor si Westbrook ng 18 ngunit may 6-of-23 lamang mula sa field. Kinapos siya sa triple-double sa kanyang nine rebounds at nine assists. Mayroon din siyang limang steals.
Sa San Antonio, kailangan ng San Antonio Spurs ng inspirasyon matapos ang sunud-sunod na injury ng kanilang mga key players at sunud-sunod na nakakapanlumong kabiguan.
Ang pagbabalik ni Patty Mills ang nagbigay buhay sa Spurs ngunit ang pagiging matatag sa harap ng emos-yunal at pisikal na laban kontra sa Houston Rockets ang nagbigay sa kanila ng kinakailangang panalo.
Nagtata si Danny Green ng 24 points at pinigilan ng San Antonio ang late rally ng Houston tungo sa 110-106 panalo na pumutol sa kanilang anim na sunod na talo kontra sa mga intrastate rivals nila.
- Latest