^

PM Sports

Kaya ayaw pang labanan si Pacquiao ang kanyang kikitaing premyo ang unang iniisip ni Mayweather

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kung sino ang ma­kapagbibigay sa kanya ng malaking prem­yo ang si­yang lalabanan ni Floyd Mayweather, Jr.

Ito ang sinabi ni Jeff Mayweater, ang uncle/trai­ner ng American world five-division titlist na si Mayweather sa panayam ng Pro Boxing Insider.

Ayon kay Jeff, sinuman kina Manny Pacquiao at Briton Amir Khan ay maaaring sagu­pa­in ni Mayweather sa su­sunod na taon.

“This is business, especially at this point in Floyd’s career that’s what it’s about -- walking away with the most money,” wi­ka ni Jeff kay Maywea­ther.

Bagama’t pumayag nang labanan si Pacquiao sa Mayo 2 ng susunod na taon ay wala pa ring ka­tiyakan kung sinsero si May­weather.

Sinabi ng 35-anyos na si Pacquiao na maniniwala lamang siya sa pahayag ni Mayweather kung ma­kikita niya ang lagda ng 37-anyos na American figh­ter sa kanilang fight con­tract.

Ayon kay Maywea­ther, hindi na matatanggap ni Pacquiao ang nauna niyang inalok na premyong $40 milyon para labanan siya.

Hindi naman iniisip ng Filipino world eight-division champion ang kan­yang makukuhang prem­yo kundi ang maibigay sa mga boxing fans sa buong mundo ang kanilang kahi­lingan.

At iyon ay ang super fight nila ni Mayweather.

Kung sakali ay inaa­sahang magiging record sa pay-per-view buys ang Pacquiao-Mayweather me­ga showdown.

“It’s not about fighting an opponent because he beat this guy. That don’t matter. That don’t matter to Floyd,” sabi ni Jeff. “At the end of the day, if you can do numbers you got a good shot.”

Para naman kay chief trainer Freddie Roach, takot lamang si Maywea­ther na madungisan ang malinis niyang boxing record kaya ayaw nitong la­banan si Pacquiao.

Malaki ang tsansa ni Pac­quiao na talunin si May­weather dahil sa kanyang bilis at lakas.

Isang malaking hamon si Mayweather para kay Pac­quiao.

Kaya naman dapat ma­ging perpekto ang ipapa­kitang laban ng Sarangani Congressman kontra sa Ame­rican fighter.

“He is a challenge. I have a great fighter but we have to fight the perfect fight to win this fight,” sa­bi ng boxing hall of famer na si Roach kay Maywea­ther.

Mayroon nang estratehiya si Roach sakaling ma­tuloy ang laban.

“We’ll do certain things, be a little meaner and be a little more feisty,” wika ni Roach.

AYON

BRITON AMIR KHAN

FLOYD

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

MAYWEA

MAYWEATHER

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with