^

PM Sports

UAAP yearender: Pagkauhaw sa UAAP title tinapos ng NU Bulldogs

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa panahong nawala na ang dating kamador na sina two-time MVP Bobby Ray Parks, Jr. at Emmanuel Mbe ay saka lumabas ang matatalim na pangil ng National University Bulldogs.

Sinandalan ang laro ng mga datihan na hindi masyadong nabibigyan ng pagkakataon katu­lad nina Gelo Alolino, Glenn Khobuntin, Kyle Neypes at Rev Diputado at ang galing ng rookie foreign player Alfred Aroga para masungkit ng koponan ni head coach Eric Altamirano ang mailap na titulo sa UAAP.

Limang knockout games ang sinagupa ng Bull­dogs upang tapusin ang 60 taong paghihintay para masundan ang kauna-unahang titulo sa UAAP basketball na nangyari noong 1954.

Sila rin ang kauna-unahang fourth seed na nag­kampeon sa ligang nagtala ng bagong record sa rami ng nanood kahit ang labanan ay hin­di sa pagitan ng mag­ka­ribal na Ateneo Blue Eagles at La Salle Archers.

Ang FEU Tamaraws ang siyang nakasukatan ng NU sa Finals at napatunayan na kaya ring pumuno ng venue ang dalawang paaralan nang dalawang beses na gumawa ng record sa ra­mi ng nanood sa best-of-three title series.

Umabot sa 24,896 ang sumaksi sa Game Two na kung saan bina­wian ng NU ang FEU, na nakauna sa 75-70, ga­mit ang 62-47.

Nabura muli ang mar­ka sa ‘do-or-die’ Game Three na pi­nag­harian ng Bulldogs, 75-59, sa harap ng 25,118 manonood.

 “This team does not give up. They refuse to lose. That’s the character of this team,” wika ni Altamirano na nakatikim din ng titulo sa liga.

Tunay ang tinuran ni Altamirano dahil hin­di bumigay ang NU sa naunang tatlong ‘do-or-die’ games kontra sa host UE Red Warriors at multi-titled at No. 1 team na Ateneo Blue Eagles.

Nagtabla ang NU at UE sa ikaapat na puwesto sa 9-5 baraha at kumapit ang suwerte sa una nang naipasok ni Aroga ang dalawang free throws bago su­mablay ang 3-point attempt ni Pedrito Gallanza patungo sa 61-59 pa­nalo.

Naroroon pa rin ang katatagan ng Bulldogs laban sa  ‘twice-to-beat’ na Ateneo sa Final Four para ilusot ang 78-74 at 65-63 panalo.

Si Aroga ang siyang sinandalan ng NU sa rubbermatch nang buta­tain niya ang drive ni Kiefer Ravena para uma­bante sa Finals laban No. 2 seed  FEU.

“We lost key players Bobby (Parks) and Mbe, but we found our identity with defense. We should our teamwork with our defense and it’s kind of unique,” wika pa ni Altamirano sa bago ni­yang Bulldogs.  (ATan)

ALFRED AROGA

ALTAMIRANO

ATENEO BLUE EAGLES

BOBBY RAY PARKS

EMMANUEL MBE

ERIC ALTAMIRANO

FINAL FOUR

GAME THREE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with