ABAP pinagbakasyon ang mga boxers, coaches
MANILA, Philippines - Pinagbakasyon ng Amateur Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) ang mga miyembro ng Philippine boxing team, kasama ang coaching staff, ng ilang linggong bakasyon para makasama ang kanilang mga pamilya.
“It’s Christmas time. Let them have fun and enjoy,” ani executive director Ed Picson.
Halos karamihan sa kanila ay umuwi ng probinsya at ang ilan ay nanatili sa kanilang quarters sa Rizal Memorial Sports Complex at sa Teachers Camp sa Baguio City.
Nilinaw ng ABAP official na habang nasa bakasyon ay dapat panatilihin ng mga boxers ang kanilang timbang.
Ang lahat ng miyembro ng koponan ay dapat magbalik sa training sa Jan. 5. Ang sinumang mabigong tumugon sa nasabing direktiba ay papatawan ng parusa.
“Regardless of who you are or your status in the team, you need to be back in training on the said date. It’s better if you report back a couple of days ahead,” wika pa ni Picson.
- Latest