Bumuti na ang kondisyon ni Ali
MANILA, Philippines - Malaki na ang improvement ng kondisyon ni Muhammad Ali sapul nang ma-admit siya sa ospital nitong weekend dahil sa mild case ng pneumonia at umaasa ang mga doctor na mapapauwi na agad ang boxing legend, ayon sa spokesman nitong Lunes.
Ang 72-gulang na si Ali ay ipinasok sa hindi pa sinasabing ospital nitong Sabado ng umaga.
“The Ali family continues to request privacy and appreciates all of the prayers and well wishes,” ani spokesman Bob Gunnell. “No further details are being released.”
Ang three-time world heavyweight champion na kinikilala bilang best fighters ever na si Ali, may Parkinson’s disease, ay nagpakita sa publiko noong September para dumalo sa isang se-remonya sa kanyang lugar sa Louisville, Kentucky para sa Muhammad Ali Humanitarian Awards.
Na-diagnose si Ali na may Parkinson’s, tatlong taon matapos itong magretitiro sa pagbo-boxing noong 1981 at mayroong 56-5 record.
- Latest