Umiinit na bakbakan Game 3: San Miguel vs Talk ‘N Text
MANILA, Philippines – Asahan ang mas mainit na bakbakan sa pagitan ng San Miguel Beermen at Talk N’Text Tropang Texters sa Game Three sa kanilang PBA Philippine Cup semifinals ngayong gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa ganap na ika-7 ng gabi magsisimula ang tagisan at balak ng Beermen na ibaon pa ang Tropang Texters sa paglagok ng ikatlong sunod na pana-lo sa best-of-seven series.
Matapos ang 109-86 panalo sa unang pagkikita ay napalaban ang tropa ni coach Leo Austria noong Linggo ngunit sa tulong ng magandang shooting sa 15-foot line ay naisalba pa ang 87-81 panalo tungo sa mahalagang 2-0 karta.
“Wala naman ka-ming gagawing espesyal na preparasyon para sa Game Three. Mataas ang confidence level ng team dahil napatunayan nila na kaya nilang talunin sa magkakasunod na laro ang Talk N’Text. But like a wounded animal, alam kong gagawin nila ang lahat para talunin kami so we must be prepared and remain focus and play aggressive from start to finish,” wika ni Austria na nangangarap na makatungtong sa unang pagkakataon sa PBA Finals.
Ang 6’10” na si June Mar Fajardo ang siyang puwersa ng Beermen matapos maghatid ng 19 puntos, 11 rebounds, tatlong assists at isang block average sa naunang dalawang laro.
Naipakita rin ng Gilas player ang pinag-ibayong free throw shooting nang hindi sumablay sa 11 buslo sa Game Two upang magkaroon ang Beermen ng kahanga-hangang 25-of-28 shooting sa 15-foot line.
Pero hindi lamang si Fajardo ang puwedeng asahan dahil naipakita ni Alex Cabagnot ang dating matikas na porma matapos magtala ng 21 puntos.
Naririyan din si Chris Lutz at ang beteranong si Arwind Santos na gumagawa ng 15 puntos, 7.5 rebounds, 2.5 assists at isang block.
Hindi pa naman itataas ni coach Jong Uichico ang puting bandera dahil naniniwala siyang ang 0-2 iskor ay sapat na ins-pirasyon para sa kanyang mga manlalaro para itaas pa ang lebel ng kanilang paglalaro.
“We played a lot better than the last game, it’s just we didn’t score enough points,” wika ni Uichico.
Si Jason Castro ay nagpasabog ng 26 puntos ngunit ang ibang kasamahan ay dapat na tumulong din.
Kasama rito ang bete-ranong guard na sina Jimmy Alapag at Larry Fonacier na gumagawa lamang ng 3.5 puntos sa serye. (AT)
- Latest