Dahil sa pagmamaneho nang lasing noong Setyembre Phelps napatawan ng 18-month probation
BALTIMORE – Umamin sa kanyang kasalanan si American swimmer Michael Phelps, ang Olympian na may pinakamaraming gintong medalyang napanalunan, kaugnay sa pagmamaneho niya nang lasing.
Napatawan siya ng 18 buwan na supervised probation at one-year suspended jail sentence.
Inaresto ang 18-time Olympic gold medalist noong Setyembre 30 matapos ang mabilis na pagmamaneho nang nakainom at lumampas sa double yellow lines sa loob ng isang Baltimore tunnel, ayon sa pulisya.
“The last three months of my life have been some of the hardest times I’ve ever gone through, some of the biggest learning experiences I’ve ever had,” pag-amin ni Phelps, nakasuot ng dark suit, white shirt at blue tie, sa mga reporters.
“I’m happy to be moving forward. I’ll continue to grow from this,” dagdag pa nito.
Ang 29-anyos na si Phelps ay naorasan ng radar ng ala-1:40 ng madaling-araw at bumabagtas sa bilis na 84 miles per hour (135 kph) sa isang 45-mph (72-kph) zone.
Nahaharap si Phelps sa isang taon na pagkakabilanggo at multang $1,000.
Ang drunken-driving arrest ay ikalawa na para kay Phelps
Hangad ni Phelps na mapasama sa U.S. team para sa 2016 Olympics.
Siya ay sinuspinde ng anim na buwan ng USA Swimming at binawalang katawanin ang US sa 2015 FINA World Swimming Championships sa Russia.
- Latest