^

PM Sports

Memphis nakatikim ng panalo laban sa San Antonio

Pang-masa

SAN ANTONIO – Tinapos ng Memphis Grizzlies ang ilang taon nang laging natatalo sa San Antonio at inabot sila ng malalim na gabi para gawin ito.

Umiskor si Marc Gasol ng 26 points, kabilang ang banked-in three-pointer nang tumunog ang buzzer sa regulation.

Nanalo pa rin ang Memphis matapos saya-ngin ang 23-point lead ngunit kinailangan nila ng triple overtime para dispatsahin ang San Antonio, 117-116 nitong Miyerkules.

Muntik nang matalo ang Grizzlies sa pagsasara ng regulation at sa una at ikatlong overtimes ngunit naging matatag upang wakasan ang 10-game losing streak laban sa San Antonio.

Hindi nakatikim ng panalo ang Memphis sa AT&T Center sapul nang masweep ang Spurs noong 2011 playoffs.

“It’s the biggest game for us because they’ve been beating us,”  sabi ni Grizzlies forward Zach Randolph. “The last time we won here was what, the playoffs, right? It’s a long time. They have our number. It felt good to get a win, to get that confidence.”

Nagtala si Randolph ng 21 points at 21 rebounds sa ikaanim na sunod na panalo ng Memphis. Nagdagdag si Vince Carter ng season-high  ng 18 points para sa Memphis (21-4).

Galing ang Grizzlies sa pagputol ng 16-game winning streak ng Golden State noong Martes ngunit mas maganda ang kanilang laro kumpara sa Spurs na galing sa pa-hinga bagama’t may injury ang kanilang mga starters na sina Tony Parker at Kawhi Leonard.

Umiskor si Danny Green ng 25 points at nagtala si Tim Duncan ng 23 points at 16 rebounds para sa San Antonio. Ang kanyang jumper ang nagpuwersa ng OT  ngunit tumapos lang siya ng  5-for-15 sa free throws.

Nagtala ang San Antonio ng season-high 17 3-pointers ngunit may 13-for-27  lamang sa free throws, kabilang ang 5-for-15 ni Duncan.

 

DANNY GREEN

GOLDEN STATE

KAWHI LEONARD

MARC GASOL

MEMPHIS GRIZZLIES

NAGTALA

SAN ANTONIO

T CENTER

TIM DUNCAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with