^

PM Sports

7-sunod na panalo para sa Oklahoma

Pang-masa

SACRAMENTO, Calif. – Kumolekta si guard Russell Westbrook ng 32 points at 7 assists, habang nagdagdag si Kevin Durant ng 26 points para ihatid ang Ok­lahoma City Thunder sa 104-92 panalo laban sa Sacramento Kings.

Ito ang pang-pitong sunod na panalo ng Thun­der.

Ito naman ang unang la­ro ng Kings matapos si­bakin si Michael Malone bilang head coach.

Si lead assistant Tyrone Corbin ang pumalit kay Malone.

Kaagad na itinala ng Thunder ang 16-point lead sa first quarter bago na­kalapit ang Kings sa pi­tong puntos sa halftime.

Muling sumandal ang Oklahoma City kina Westbrook at Durant, nag­balik mula sa isang frac­tured right foot inju­ry.

Umiskor si Rudy Gay ng 22 points at si re­serve Carl Landry ay nag-ambag ng 14 points sa panig ng Sacramento.

Dalawang beses lu­ma­mang ang Kings sa fourth quarter mula sa mga jumpers ni Landry ba­go sila nadepensahan ng Thunder.

Nagpalitan sina West­brook at Durant sa pag­tirada ng basket para ibi­gay sa Thunder ang 98-88 bentahe sa huling 2:47 minuto.

Sa Memphis, ginamit ng Grizzlies ang mala­lim ni­lang ng bench pa­ra wa­kasan ang 16-game win­ning streak ng Gol­den State Warriors sa pa­mamagitan ng 105-98 ta­gumpay.

Tumipa si Vince Car­ter at ang Grizzlies ng 20 sunod na puntos para si­mulan ang second quarter.

Iniskor ni Carter ang 11 sa kanyang season-high na 16 points sa natu­rang atake ng Memphis.

Kumamada si Marc Gasol ng 24 points at nag­lista si Zach Randolph ng 17 points at 10 re­bounds para sa pang-li­mang sunod na panalo ng Grizzlies.

Nagposte si Mike Con­ley ng 17 points, ha­bang nagdagdag si re­serve Jon Leuer ng 11 pa­ra sa Memphis.

Naimintis ni Stephen Curry ang kanyang back-to-back 3-pointers sa huling 10 segundo pa­ra tumapos na may 19 points mula sa malam-yang 9-of-25 shooting sa pa­nig ng Warriors.

Umiskor si Klay Thompson ng 22 points para sa Warriors, habang nagtala si Marreese Speights ng 18. Nagtala si Harrison Barnes ng 11 points bagama’t lumaro ito na may maskara para protektahan ang fracture sa mukha.

CARL LANDRY

CITY THUNDER

HARRISON BARNES

JON LEUER

KEVIN DURANT

KLAY THOMPSON

POINTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with