^

PM Sports

Palaban ang mga local riders sa 2015 Le Tour de Filipinas

Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki pa rin ang laban ng mga local riders sa gaganaping 2015 Le Tour de Filipinas mula Pebrero 1 hanggang 4.

May 15 koponan ang maglalaban-laban sa natatanging pakarera sa bisikleta sa bansa na may basbas ng international cycling body na UCI pero dalawa lamang ang koponang bubuuin ng mga Filipino Riders na kakatawanin ng 7-Eleven at ng National team.

Dehado man sa bilang, nakikita ni race manager Paquito Rivas na hindi basta-basta padadaig ang mga local cyclists na magtatangkang gumawa ng kasaysayan sa pagsungkit ng general classification title sa ikalawang sunod na edisyon.

Si Mark Galedo ng 7-Eleven ang siyang nagdedepensang kampeon sa nasabing kategorya.

“Maraming dayuhang kasali pero lamang ang mga siklista natin dahil alam nila ang ruta at hindi problema ang klima,” wika ni Rivas na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kasama si Donna Lina-Flavier, pangulo ng Ube Media na siyang organizer ng karera.

Aabot sa 530-kilometro ang kabuuang distansya ng apat na araw na karera na ginawa sa unang pagkakataon sa buwan ng Pebrero mula sa nakagawian na tuwing Abril.

“Binago namin ang buwan dahil sa climate change. Gusto rin namin na maramdaman ng mga bisita kung ano ang klima sa Baguio kapag buwan ng Pebrero. Magiging makulay ang edis-yon dahil makakasabay nito ang selebrasyon ng Panagbenga Festival,” ani Lina-Flavier na anak ni Alberto ‘Bert’ Lina ng Air21 na siyang ikinokonsidera bilang ‘Ninong’ sa cycling.

Sa  ngayon ay may 18 dayuhang koponan ang nagpahayag ng interes na sumali sa kompetisyong may basbas din ng PhilCycling at ang magiging  opisyal na talaan ng mga dayuhan at ang iba pang aktibidades na gagawin sa edisyon ay pormal na ipaaalam sa press confe-rence sa Enero. (AT)

vuukle comment

AABOT

DONNA LINA-FLAVIER

FILIPINO RIDERS

LE TOUR

PANAGBENGA FESTIVAL

PAQUITO RIVAS

PEBRERO

SI MARK GALEDO

UBE MEDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with