^

PM Sports

2015 Palarong Pambansa gagawin sa Tagum City

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa kanilang impresibong presentasyon, nahirang ang Tagum City, Davao Del Norte bilang host ng 2015 Palarong Pambansa.

Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia matapos ang pulong sa Department of Education (DepEd) noong Lunes.

Nakakuha ang Tagum City ng 16 sa posibleng 18 boto para pangasiwaan ang annual multi-sport event.

Tinalo ng Tagum City ang mga probinsya ng Caraga, Dipolog City, Tubod at Zamboanga sa isinagawang bidding sa naturang sports meet para sa mga elementary at high school students.

Ang Palarong Pambansa ang pinagmumulan ng mga national athletes na kumakatawan sa bansa para sa mga international competitions.

“The facilities are ready any time. Kahit next week, ready na,” wika ni Garcia sa Tagum City na namahala sa Batang Pinoy Mindanao qualifiers. “They promised to put deep wells kasi maliliit ang tubo dun. That is the only negative issue. But outside of that, wala. When we had the Batang Pinoy sa Tagum, very smooth.”

Ang Laguna ang huling tumayong host ng Pala-rong Pambansa nitong 2014.

vuukle comment

ANG LAGUNA

ANG PALARONG PAMBANSA

BATANG PINOY

BATANG PINOY MINDANAO

DAVAO DEL NORTE

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIPOLOG CITY

PALARONG PAMBANSA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

TAGUM CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with