Nalampasan na ni Kobe si Jordan
Inungusan ng Los Angeles Lakers star si Michael Jordan para sa ikatlong puwesto sa NBA career scoring list matapos ang kanilang 100-94 panalo laban sa Minnesota Timberwolves.
Pumasok si Bryant sa laro na 9 puntos ang kailangan para malampasan ang NBA icon na palaging ikinukumpara sa kanya.
Nakamit niya ang karangalan matapos magsalpak ng dalawang free throws sa 5:24 minuto sa second quarter.
“I’m just honored to be here, man, to still be playing,’’ sabi ni Bryant. “I appreciate being able to play this long. Careers normally don’t last this long. I really appreciate the opportunity to still be out there playing and performing and doing what I do.’’
Tanging sina Kareem Abdul-Jabbar at Karl Malone ang umiskor ng mas maraming puntos kay Bryant.
“I congratulate Kobe on reaching this milestone,’’ wika ni Jordan, ang owner ng Charlotte Hornets, sa isang statement sa The Associated Press. “He’s obviously a great player, with a strong work ethic and has an equally strong passion for the game of basketball. I’ve enjoyed watching his game evolve over the years, and I look forward to seeing what he accomplishes next.’’
Hindi man nakabasag ng scoring record dahil sa higit sa 6,000 puntos na kalamangan sa kanya ni Abdul-Jabbar, ang pag-ungos kay Jordan ay isa nang dahilan para magdiwang si Bryant.
Palaging pinagkukumpara ang dalawang players dahil ginagaya dati ni Bryant si Jordan sa kanyang unang taon sa liga mula sa pagsuntok sa hangin matapos ang ma-laking basket hanggang sa fade-away jumper at paglalabas niya ng dila habang umaatake.
“He knows how much I’ve learned from him,’’ wika ni Bryant. “From the other legends, but him in particular.’’
Inihinto ng Timberwolves ang laro at ang Lakers crowd ay nagbigay kay Bryant ng standing ovation kasabay ng pagprisinta sa kanya ni Wolves owner Glen Taylor - ang NBA chairman of the board - ng game ball.
May malaking ngiti sa kanyang mga labi, tinanggap ni Bryant ang yakap ng kanyang mga teammates at mga Timberwolves player bago kinawayan ang mga fans.
Halos dalawang dekada nang hinahabol ni Bryant si Jordan.
Isang NBA title pa ang kailangan ni Bryant para pantayan ang anim ni Jordan na kanyang ibinigay sa Bulls.
Ngunit naungusan niya si Jordan sa indivi-dual statistic.
Nagtala si Bryant ng 32,284 points nang manalo ang Lakers sa Timberwolves team na kinabibilangan ng 19-anyos na rookies na sina Andrew Wiggins at Zach LaVine, ang dalawang players na hindi pa ipinapanganak nang gawin ni Bryant ang kanyang NBA debut noong 1996.
- Latest