^

PM Sports

2016 Rio Olympics target ng PhilCycling

Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos ang tagum-pay sa BMX nitong 2014 ay pagtutuunan ng PhilCycling ng panahon ang paglahok sa mga major international competitions na ang pangunahing hangarin ay makakuha ng tiket para sa Rio de Janeiro 2016 Olympics.

Ipinag-utos nina PhilCycling President Abraham ‘Bambol’ Tolentino at Chairman Bert Lina sa federation board at sa pinuno ng mga komisyon para sa ibat ibang cycling disciplines na paghandaan ang sixth edition ng Le Tour de Filipinas at ang Asian Championships for Road and Track (Thailand) sa Pebrero bukod pa sa qualification races ng BMX para sa Rio 2016 at Singapore SEA Games sa Hunyo.

Ang cycling lamang ang nakapag-uwi ng gintong medalya ng bansa sa 17th Asian Games sa Incheon, Korea noong Setyembre mula kay Daniel Caluag.

Target ni Caluag na muling makalahok sa Olympics matapos sa London noong 2012 sa pamamagitan ng pagsali sa mga UCI-qualifying races sa 2015.

Kasama rin sa PhilCycling calendar ang second edition ng Asean MTB Cup na pamamahalaan ni Danao City Councilor Oscar ‘Boying’ Rodriguez, ang mountain bike at technical commission head ng PhilCycling, sa Cebu sa Pebrero 23 at 24.

Nananawagan ang PhilCycling sa lahat ng race organizers—road, track, MTB, BMX, cyclo-cross at cycling for all (advocacy)—na ipalista ang kanilang mga events sa federation ([email protected]).

vuukle comment

ASIAN CHAMPIONSHIPS

ASIAN GAMES

CHAIRMAN BERT LINA

DANAO CITY COUNCILOR OSCAR

DANIEL CALUAG

LE TOUR

PEBRERO

PHILCYCLING

PRESIDENT ABRAHAM

ROAD AND TRACK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with