Texters umusad
MANILA, Philippines - Dumiretso sa kanilang pang-limang sunod na panalo ang No. 4 na Talk ‘N Text matapos gibain ang No. 9 na Barako Bull, 105-76, para umabante sa knockout phase ng quarterfinal round ng 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.
Bumandera si rookie Matt Ganuelas-Rosser sa kanyang 19 points, tampok dito ang 8-of-10 fieldgoal shooting at 7 rebounds habang naglista si forward Rob Reyes ng 10 markers at 10 board para sa Tropang Texters na nagbitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa Energy.
Nagdagdag ng tig-14 points sina Jason Castro at rookie guard Kevin Alas, habang tumipa ng 11 si Larry Fonacier, nagsalpak ng dalawang magkasunod na tres sa dulo ng third period para sa kanilang 76-50 abante.
Matapos kunin ang 23-19 abante sa first period ay tinambakan ng Talk ‘N Text ang Barako Bull, 47-32, patungo sa 101-66 bentahe sa huling 4:00 minuto ng laro.
“It’s nice we won. But it just brought us to the next level,” sabi ni coach Jong Uichico sa Talk ‘N Text na lalabanan ang mananalo sa pagitan ng No. 5 Ginebra, humahawak ng ‘twice-to-beat’ advantage at No. 8 Globalport sa knockout stage ng quarterfinals. Ang survivor sa knockout phase ng quarterfinals ang lalaban sa No. 1 San Miguel sa best-of-seven semifinals series.
Nauna nang itinakda ng No. 3 na Alaska at No. 6 na Meralco ang kanilang knockout game matapos talunin ang No. 10 na NLEX, 82-78, at ang No. 7 na Purefoods, 77-65, noong Huwebes. Ang mananaig sa pagitan ng Aces at Bolts ang sasagupa sa No. 2 na Rain or Shine Elasto Painters sa best-of-seven semis series. (RC)
TALK N’ TEXT 105 - Rosser 19, Alas 14, Castro 14, Fonacier 11, Reyes R.J. 10, Washington 9, De Ocampo 7, Seigle 5, Aban 5, Carey 4, Reyes R. 3, Williams 2, Espiritu 2, Alapag 0.
Barako Bull 76 - Intal 16, Wilson 15, Miranda 9, Paredes 8, Marcelo 7, Lanete 7, Garcia 4, Salvador 4, Lastimosa 4, Matias 2, Holstein 0, Peña 0, Hubalde 0, Pascual 0.
Quarterscores: 23-19; 47-32; 76-52; 105-76.
- Latest