Nakaligtas din sa multa kasama ang iba pa
MANILA, Philippines - Walang multa o sermon na ipapataw kina LeBron James, Kyrie Irving at sa iba pa na nagsuot ng “I Can’t Breathe” t-shirts sa kanilang warm-ups para sa Cleveland Cavaliers-Brooklyn Nets game noong Lunes ng gabi, ayon sa sources sa National Basketball Association.
Isinuot ni James, ang pinakasikat na player sa NBA, ang parehong shirt na nakita kay Chicago Bulls guard Derrick Rose noong Sabado sa Chicago.
Sinabi ni NBA Commissioner Adam Silver na sinusuportahan niya ang mga players na naghahayag ng kanilang mga opinyon sa mga isyung panlipunan ngunit kaila-ngan pa rin silang sumunod sa patakaran ng pagsusuot ng mga damit na gawa ng Adidas, ang official apparel provider ng NBA.
Ang nasabing t-shirt ay simbolo ng pakikiisa sa pamilya ng 29-anyos na si Eric Garner, walang armas na black American na namatay noong Hulyo matapos sakalin ng isang New York City police.
Si Garner ay nakuhanan ng video habang nagsasabi ng, “I can’t breathe,” bago nawalan ng malay.
Pinawalang-sala ng isang Staten Island grand jury noong nakaraang linggo ang naturang ‘White American,’ na nagresulta sa mga protesta.
Halos 200 protesters ang nagtungo sa Barclays Center sa Brooklyn noong Lunes ng gabi at sumisigaw ng “I can’t breathe,” at “Hands-up, don’t shoot,” tumutukoy kay Michael Brown, isang walang armas na teenager na binaril ng pulis noong Agosto sa Ferguson, Missouri sa kabila ng pagtataas niya ng kanyang mga kamay bilang pagsuko.
Ang pagsusuot ng naturang t-shirt, ayon kay James, ay “a message to the family that I’m sorry for their loss.”
- Latest