LeBron pinakitaan ang Toronto
CLEVELAND -- Ami-nado si LeBron James na pangit ang inilaro ng Cavaliers.
At kagaya ng dapat asahan, gagawa si James ng paraan para ipanalo ang kanyang koponan.
Tumirada si James ng 35 points, kasama rito ang tiebreaking 3-pointer sa huling 48 segundo sa fourth quarter, para pagbidahan ang 105-101 panalo ng Cleveland kontra sa Toronto Raptors na pang-walong sunod na ratsada ng Cavaliers.
Lumamang ang Toronto, hawak ang best record sa Eastern Conference, sa first quarter at nagtayo ng 14-point lead sa dulo ng third period bago humawak ng 10-point advantage sa huling walong minuto ng final canto.
“I guess it was a little desperation,” sabi ni James. “You get down on your home floor 13, 14 points, you go out there and control what you can control. That’s how hard you play, how hard you defend. The defense got our offense going.”
Ang jumper ni James ang nagbigay sa Cleveland ng 102-99 at siyang nagtabla sa kanya kay Mark Price para sa franchise record sa 3-pointers sa isinalpak na 802.
Umiskor si James ng 10 points sa fourth quarter nang limitahan ng Cleveland ang Toronto sa 13 points.
“That was a tough, hard victory,” sabi ni Cleveland coach David Blatt.
Hindi pa natatalo ang Cavaliers matapos ang 93-110 kabiguan sa Raptors noong Nobyembre 22 sa Quicken Loans Arena.
Sa Salt Lake City, nag-lista si Derrick Favors ng 21-points at nag-ambag ng 20 si Gordon Hayward para wakasan ang 9-game losing skid ng Utah Jazz sa pamamagitan ng 100-96 panalo sa San Antonio.
Nag-ambag si Enes Kanter ng 12 points at 15 rebounds para sa kanyang ikaapat na sunod na double-double sa season, samantalang nagdagdag si Alec Burks ng 14 point.
- Latest