ASEAN University Games UAAP-PHL volleybelles nalo sa Malaysia
TEAM UAAP, Philippines – Maganda ang simula ng Team UAAP- Philippines sa 17th ASEAN University Games nang makabangon ang women’s volleyball team na kinatawan ng mga standouts mula sa champion team ng Ateneo, sa pagkatalo sa third set upang igupo ang Malaysia, 25-21, 18-25, 15-25, 25-8 kahapon sa Palembang Sport and Convention Center sa Palembang, Indonesia.
Naging dominante ang Philippines sa fourth frame sa pangunguna ni UAAP MVP Alyssa Valdez para sa unang panalo sa five-team tournament.
Haharapin ng mga Filipina spikers ang Indonesia ngayon sa alas-4:00 ng hapon.
Pagkatapos ng isang araw na pahinga bukas, ang Team-UAAP Philippines ay haharap sa Thailand sa Biyernes bago tapusin ang kanilang preliminary assignments laban sa Singapore sa Sabado.
Bukod sa women’s volleyball, ang 86-man Team UAAP-Philippines ay lalaban din sa swimming, taekwondo, athletics at table tennis.
Sa naiuwing dalawang golds, 12 silvers at 16 bronzes dalawang taon na ang nakakaraan sa Laos, ang PHL student-athletes ay tumapos bilang seventh sa biennial meet na inorganisa ng Asean University Sports Council.
Ang Team UAAP-Philippines ay nakakuha ng gold mula kina taekwondo jins Christian Al dela Cruz at Ernest John Mendoza ng University of Santo Tomas.
Ang Malaysia ang overall champion, dalawang taon na ang nakakaraan sa nalikom na 60-45-70 gold-silver-bronze na nakuha kasunod ang Vietnam (56-35-28) at 2010 champion Thailand (42-51-55).
- Latest