Westbrook nagbida sa Thunder
PHILADELPHIA – Ngayon ay puwede nang labanan ng Oklahoma City Thunder ang sinumang itapat sa kanila.
Umiskor si Russell Westbrook ng 27 points para pangunahan ang Thunder sa 103-91 paggiba sa Philadelphia 76ers.
Ito ang unang panalo ng Oklahoma City (6-13) na nagpakita sa magandang kondisyon nina Westbrook at Kevin Durant.
“It’s a good time of the year for us,” sabi ni Westbrook. “I think it’s important that we stick together, take one day at a time and find a way to get wins.”
Tumipa naman si Durant, ang NBA MVP, ng 10 points sa kanyang ikalawang paglalaro matapos magpahinga ng 17 laro bunga ng kanyang fractured right foot.
Matapos kumamada ng 27 points mula sa 9-for-18 fieldgoal shooting sa kanyang pagbabalik sa court sa 104-112 panalo sa New Orleans Pelicans noong Martes, muntik nang mabigo si Durant na makaiskor ng double-figures sa unang pagkakataon matapos noong 2009.
Ang kanyang layup sa huling 2:41 minuto ang nagbigay sa kanya ng 10 points.
Nagdagdag si Serge Ibaka ng 19 points kasunod ang 15 ni Jeremy Lamb para sa Thunder, tinalo ang 76ers sa ika-11 sunod na pagkakataon.
Umiskor naman si Robert Covington ng 21 points, habang nagtala si Michael Carter-Williams ng 16 points at 14 assists sa panig ng 76ers.
Sa Washington, umiskor si Kris Humphries ng 20 points, habang may tig-16 sina Rasual Butler at Kevin Seraphin para sa 119-89 panalo ng Wizards laban sa Denver Nuggets.
Anim pang players ng Washington ang tumapos sa double-figures laban sa Denver.
Pinamunuan ni Wilson Chandler ang Nuggets sa kanyang 20 points kasunod ang 15 ni Marcin Gortat, 14 ni Bradley Beal at 11 ni Paul Pierce.
- Latest