^

PM Sports

Ateneo, La Salle sosyo pa rin sa unahan

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nanatiling hindi nasusukat ang lakas ng nagde­depensang Ateneo Lady Eagles at La Salle Lady Archers nang mangiba­baw via straight sets sa mga katunggali sa UAAP Season 77 women’s vol­ley­ball kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Si Alyssa Valdez ay may 22 puntos upang ma­liitin ang galing ng bagitong si Ennajie Laure para tulungan ang Lady Eagles sa 25-21, 25-13, 25-19 panalo sa UST Tigresses.

May 19 kills at tatlong aces si Valdez, habang si Ella ay may 12 puntos, tampok ang 10 kills, para ibigay sa Ateneo ang 4-0 karta.

Si Laure na gumawa ng 39 puntos sa naunang tatlong laro ay nalimita­han sa 6 hits para lasa­pin ng UST ang ikatlong sunod na kabiguan matapos manalo sa UE La­dy Warriors.

Hindi rin nagpahuli ang dating kampeong La Salle na agad ibinalik sa lupa ang UP Lady Maroons sa 25-16, 25-20, 25-21 panalo sa unang laro.

May 20 puntos si Ara Galang mula sa 16 kills at 3 blocks, si Cydthealee Demecillo ay may 10 hits at 10 digs at si Mika Reyes ay may 3 blocks pa­tungo sa 9 puntos para ma­natiling nasa liderato ang koponan sa liga.

Samantala, nalusutan ng men’s champion National University Bulldogs ang UST Tigers, 25-22, 25-20, 23-25, 27-29, 15-5, para solohin ang liderato.

Naitabla naman ng Ate­neo Blue Eagles ang ka­nilang baraha matapos ang apat na laro sa inangking 25-17, 25-18, 25-23 panalo laban sa UP Maroons.

ARA GALANG

ATENEO LADY EAGLES

BLUE EAGLES

CYDTHEALEE DEMECILLO

ENNAJIE LAURE

LA SALLE

LA SALLE LADY ARCHERS

LADY EAGLES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with