SBC spikers bumangon
MANILA, Philippines - Bumangon ang San Sebastian mula sa nauna nilang kabiguan matapos gibain ang Mapua, 25-8, 25-16, 25-10 sa women’s division ng 90th NCAA volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Humataw si Shakey’s V-League veteran Gretchel Soltones ng team best na 12 hits para ibigay sa Lady Stags ang 7-1 record.
Nauna nang natalo ang San Sebastian sa Arellano University Lady Chiefs, 21-25, 25-15, 14-25, 18-25 noong Martes.
Sa nasabing kabiguan sa Lady Chiefs (6-0) ay nalimitahan si Soltones sa season-low na 4 hits.
Sinabi ni Lady Stags’ coach Roger Gorayeb na ang kanilang panalo ay mula sa matibay na depensa at magandang serbisyo.
Bumaba ang Lady Cardinals sa 1-5 marka.
Pinaganda naman ng Jose Rizal ang kanilang kartada sa 5-3 matapos talunin ang Lyceum, 25-21, 25-19, 25-17.
Sa men’s action, pinayukod ng Mapua ang San Sebastian, 25-17, 25-18, 25-21 para sa kanilang 2-4 baraha.
- Latest