^

PM Sports

Alagaan ang timbang, bilin ni Picson sa mga boxers

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinabihan  ni ABAP executive director Ed Picson ang mga kasapi ng national boxing team na imente-na at alagaan ang kanilang mga timbang sa kanilang pagbabakasyon ngayong Pasko dahil ilang buwan na lamang ay gagawin na ang SEA Games sa Singapore.

Sa Christmas party ng asosasyon noong Huwebes ng gabi sa PSC Athletes Hall, hiningi ni Picson sa mga atleta na ipakita ang kanilang disiplina lalo pa’t ilang linggo silang magpapahinga.

Ang national boxers ay magbabalik sa masinsi-nang paghahanda para sa SEA Games sa Enero 5.

“Anim na buwan na lamang at gagawin na ang SEA Games kaya hindi puwedeng bumalik sa training na overweight,” wika ni Picson.

Ang mga nakaraang edisyon ng SEA Games ay ginagawa sa Nobyembre o Disyembre pero nagdesis-yon ang Singapore na gawin ang ika-28th edisyon ng kompetisyon mula Hunyo 5 hanggang 16.

Kumabig ang boxing team ng dalawang ginto, pitong pilak at anim na bronze medals sa anim na torneong sinalihan, kasama rito ang isang pilak at tatlong bronze medals sa Asian Games sa Incheon, Korea at isang pilak sa World Women’s Boxing Championships sa Jeju Island, Korea.

Si ABAP secretary-general Patrick Gregorio ang siyang kumatawan sa mga matataas na opisyales ng samahan na sina pangulong Ricky Vargas at chairman Manny V. Pangilinan at pinasaya nila ang lahat ng boxers at coaches sa pamumudmod ng cash gifts.

 

ASIAN GAMES

ATHLETES HALL

BOXING CHAMPIONSHIPS

ED PICSON

JEJU ISLAND

MANNY V

PATRICK GREGORIO

PICSON

RICKY VARGAS

SA CHRISTMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with