^

PM Sports

Tuloy ang laban ng Azkals vs Thais kahit umulan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasalukuyan nang sinusubaybayan ng Phi-lippine Football Federation (PFF) ang galaw ng bagyong ‘Hagupit’ na inaasahang gagawa ng landfall bukas.

Lalabanan ng Philippine Azkals ang Thailand War Elephants sa Rizal Memorial Stadium sa first leg ng AFF Suzuki Cup semifinals.

“We will always look for the welfare of the fans and the players so we are regularly tracking the typhoon and monitoring advisories from the Pagasa (Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Servi-ces Administration),” sabi ni PFF general secretary Edwin Gastanes.

Ayon sa PAGASA, posibleng hindi manalasa ang bagyong ‘Hagupit’ sa Metro Manila kagaya ng tinahak ng ‘Yolanda’ noong nakaraang taon na tumama sa Central Visayas.

“We’re tracking it and we’re preparing for any contingency. But so far it’s not slicing the country,” wika ni Gastanes.

“If it makes landfall on Saturday with 54 kph, baka hindi naman makaapekto. As of this morning, medyo malayo sa Metro Manila. If it continues this way, it won’t affect the game,” dagdag pa nito.

Kung hindi babag-yuhin ay pipilitin ng Azkals na wakasan ang kanilang 14-game losing slump laban sa Thailand sa ganap na alas-8 ng gabi bago magtungo sa Bangkok para sa second leg.

“We advise the fans na in case maulan, it’s better to bring raincoats. Yung mga umbrella kasi puwedeng makatusok or mag-block ng view ng ibang nanonood,” ani Gastanes.

 

vuukle comment

CENTRAL VISAYAS

EDWIN GASTANES

FOOTBALL FEDERATION

GASTANES

HAGUPIT

METRO MANILA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVI

PHILIPPINE AZKALS

RIZAL MEMORIAL STADIUM

SUZUKI CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with