Arellano volleybelles nangunguna na
MANILA, Philippines – Nilimitahan ng Arellano University si San Sebastian star Gretchel Soltones para kunin ang 25-21, 15-25, 25-14, 25-18 panalo at angkinin ang solo lead sa 90th NCAA women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Humataw sina CJ Rosario at Menchie Tubiera ng tig-12 points, habang nagdagdag ng 11 si Danna Henson para sa pang-anim na sunod na panalo ng Lady Chiefs kasabay ng paglalaglag sa Lady Stags sa 5-1 win-loss record para makatabla ang Perpetual Help Lady Altas.
Samantala, dinaig ng Jose Rizal ang Mapua, 25-21, 23-25, 25-15, 25-12 para itaas ang kanilang baraha sa 4-3.
Naglista si power-spiker Maria Shola Alvarez ng 25 hits kasama ang 19 kills, habang nagdagdag sina team captain Rosali Pepito at Elaine Eunice Caridad ng tig-11 para sa JRU.
Sa men’s play, ginulat ng Mapua ang paboritong Jose Rizal, 25-22, 25-21, 26-24, 25-22 para sa kanilang unang panalo matapos ang 0-4 panimula.
- Latest