^

PM Sports

Volleyball players apektado sa magulong liderato

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanghihinayang ang mga manlalaro at sponsors ng national volleyball teams kung sakaling mauwi sa malaking kaguluhan ang tagisan ng puwesto ng dalawang paksyon sa Philippine Volleyball Fe-deration (PVF).

Si Karl Chan ang kinikilalang pangulo sa PVF pero ibang set ng board members ang nagtatagisan at pitong board ay nasa panig ni secretary-general Rustico ‘Otie’ Camangian habang ang anim ay nasa pangkat ni Edgardo ‘Boy’ Cantada.

May basbas si Chan ng international volleyball federation (FIVB) pero hindi pa kinikilala ng Philippine Olympic Committee (POC).

“Hindi puwedeng itago na naaapektuhan kami dahil naka-time line ang lahat ng programa. We started from scratch at bakit hindi sila pumasok noon. Ang mga bata nga-yon, instead na naka-focus sila sa training para sa SEA Games, nagkakaroon tuloy ng mga katanungan sa kanilang sarili kung bakit nagkaganito,” wika ng dating volleyball player at ngayon ay public affairs officer ng sponsor na PLDT Home FiBR Michelle Datuin.

Kasama ni Datuin sina Gretchen Ho, Rachel Ann Daquis  at Jessie Lopez na  nanguna sa player gayundin ang mga national coaches para ilabas ang kanilang pananaw ukol sa nangyayari. (AT)

vuukle comment

CAMANGIAN

CANTADA

GRETCHEN HO

JESSIE LOPEZ

MICHELLE DATUIN

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE VOLLEYBALL FE

RACHEL ANN DAQUIS

SI KARL CHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with