^

PM Sports

Gusto nang kunin ng SBC ang PCCL title

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hangad ng San Beda  na tapusin na ngayon ang kanilang laban kontra sa La Salle para sa titulo ng  2014 Philippine Collegiate Champions League sa pagpapatuloy ng kanilang championship showdown sa Ynares Gym sa Pasig City.

Sa pangunguna ni Nigerian behemoth Ola Adoegun at sa suporta nina Baser Amer at Roldan Sara, iginupo ng Red Lions ang Archers, 88-81, noong Huwebes sa pagbubukas ng kanilang best-of-three serye na naglapit sa kanila sa kanilang unang titulo sa taunang liga.

Hindi pinaporma ni Adeogun si Cameroonian rookie Ben Mbala at tumapos ng 20-points bagama’t halos hindi na siya sumalang sa second half dahil sa foul trouble.

Sa pagkawala ni Adeogun, nanguna sina Amer at Sara sa kanilang mahusay na  outside shooting para pigilan ang mga paghahabol ng Archers para iselyo ng Lions ang Game One tungo sa 1-0 lead.

“We just played tough in the first game. If we can sustain that kind of pace and even play better, we’ll have a strong chance of taking this,” sabi ni San Beda acting coach Adonis Tierra.

ADEOGUN

ADONIS TIERRA

BASER AMER

BEN MBALA

GAME ONE

LA SALLE

OLA ADOEGUN

PASIG CITY

PHILIPPINE COLLEGIATE CHAMPIONS LEAGUE

RED LIONS

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with