^

PM Sports

Nagpasikat uli si Galang sa panalo ng Lady Archers

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi pa tapos si Victorana Galang sa kanyang pagpapasikat para sa La Salle Lady Archers nang muling kakitaan ng init ng paglalaro sa 25-23, 27-25, 25-17 panalo sa UST Lady Tigresses sa 77th UAAP women’s volleyball kahapon na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan City.

Tumapos ang dating MVP na si Galang tangan ang 21 puntos mula sa 16 kills, dalawang blocks at tatlong aces, habang si Cydthealee Demecillo ay may 15 hits bukod sa siyam na digs para ibigay sa Lady Archers ang ikatlong sunod na panalo.

Isa lamang sa hits ni Demecillo ang hindi nanggaling sa kill para bigyan ang La Salle ng 39-30 bentahe sa attack points.

Ang beteranang si Mika Reyes ay may dalawang aces tungo sa anim na puntos para sa 7-2 agwat sa serve department.

Si Ennajie Laure ay may 11 kills tungo sa 12 hits pero ang mga beteranang sina Pam Lastimosa, Carmela Tunay, Marivic Meneses at Jessey De Leon ay na-ngapa sa kanilang porma at nagsanib sa 21 hits lamang para bumaba ang UST sa 1-1 karta.

Nakapasok rin sa win column ang Adamson Lady Falcons nang dagitin ang UE Lady Warriors, 25-8, 25-15, 25-17, sa ikalawang laro.

Si Jessica Galanza ang may 11 puntos, tampok ang tatlong aces at dalawang blocks para tabunan ng Lady Falcons ang naunang dalawang kabiguan.

Samantala, nagwagi ang Adamson Falcons sa UP Maroons, 25-20, 20-25, 25-17, 25-20, habang ang FEU Tamaraws ay nangibabaw sa UE Warriors, 25-22, 23-25, 25-13, 16-25, 15-12, sa labanan sa kalalakihan. (AT)

ADAMSON FALCONS

ADAMSON LADY FALCONS

CARMELA TUNAY

CYDTHEALEE DEMECILLO

JESSEY DE LEON

LA SALLE

LA SALLE LADY ARCHERS

LADY ARCHERS

LADY FALCONS

LADY TIGRESSES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with