^

PM Sports

Beermen, Aces magpapalakas

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasabay ng hangad nilang pananatili sa lide-rato, kapwa palalakasin din ng San Miguel at ng Alaska ang kanilang tsansa para sa dalawang automatic semifinals berth.

Sumasakay sa isang four-game winning streak, lalabanan ng Beermen ang Meralco Bolts nga-yong alas-4:15 ng hapon kasunod ang pakikipagtuos ng Aces sa NLEX Road Warriors sa alas-7 ng gabi sa 2014-2015 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Magkasosyo sa liderato ang San Miguel at ang Alaska sa magkatulad nilang 7-1 record at parehong hangad ang dalawang outright semifinals ticket.

Huling naging biktima ng Beermen ni coach Leo Austria ay ang Globalport Batang Pier, 95-69 noong Martes.

Sa naturang panalo ay inirehistro ni PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ang kanyang pang-walong sunod na double-double sa hinakot niyang 17 points at 13 rebounds.

“We’re looking at winning three of our last four games, and this is good step,” sabi ni Austria bago labanan ang Bolts ni Norman Black na nanggaling sa 74-77 kabiguan sa nagdedepensang Purefoods Hotshots noong Linggo.

Sa ikalawang laro, target naman ng Alaska ni Alex Compton ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos igupo ang Globalport, 87-84 noong Sabado sa Cagayan De Oro City.

 

ALEX COMPTON

BEERMEN

CAGAYAN DE ORO CITY

GLOBALPORT BATANG PIER

LEO AUSTRIA

MERALCO BOLTS

MOST VALUABLE PLAYER JUNE MAR FAJARDO

NORMAN BLACK

PHILIPPINE CUP

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with