^

PM Sports

Wild Monashee nakapanggulat

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ginulat ng kabayong Wild Monashee ang mga katunggali nang manalo gamit ang lakas sa pagremate noong Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang apat na taong filly na may lahing Monashee Mountain at Wild Sling ay nakaba­ngon mula sa panlimang puwesto sa pagpasok ng rekta para lumabas bilang pinakadehadong kabayo na nanalo ng gabi.

Kinailangan pa ni jockey CH Moreno na ilabas ang kabayo dahil may mga katunggaling nakaharang sa kanyang daraanan at mula sa labas ay tinuhog ang mga nasa unahang sina Ni Haow at Panamera tungo sa panalo.

Hindi  nasilip ang nasabing kabayo dahil ga­ling ito sa halos limang buwang bakasyon.

Ang Lohrkes Tower ang siyang napaboran sa siyam na naglaban pero pumang-apat lamang ito sa datingan kasunod ng Panamera sa pagdadala ni AM Basilio at Runaway Champ sa pagdiskarte ni Jeff Bacaycay.

Pumalo sa P78.50 ang ibinigay sa win habang ang 7-8 forecast ay naghatid ng P301.00 dibidendo.

Isa pang nakapagpasikat ay ang kabayong Seni Seviyorum sa pagdadala ni Jonathan Hernandez nang nametahan ang mga katunggaling Dream Lover at Mighty Zeus sa 1,200-metro karera.

Ang Mighty Zeus sa pagdadala ni Jeff Zarate at siyang paborito sa anim na kabayong naglaban matapos ang tatlong sunod na segundo puwestong pagtatapos sa pagdiskarte ni Mark Alvarez ay angat na papasok sa huling 150-metro ng karera.

Ngunit mas malakas ang dating ng Seni Seviyorum at Dream Lover at ang una ay pinalad na manalo ng kalahating kabayo sa pangalawa na may isang ulong agwat sa Dream Lover sa mahigpitang tagisan.

Unang panalo ito ng Seni Seviyorum sa ikatlong takbo sa buwan ng Nobyembre na kung san nalagay sa ikapito at ikalima ang kabayo noong Nobyembre 5 at 15 sa nasabing race track.

Ang panalo ng limang taong filly ay naghatid ng P40.00 sa win habang ang 3-2 forecast ay may P156.00 na ipinamahagi.

Ang pinakaliyamadong kabayo na nanalo ay ang Mano Mano ni CP Henson sa 2YO Maiden-B-C race sa 1,300-metro karera.

Humataw ang Mano Mano sa pagbungad ng rekta para manalo ng halos tatlong dipa sa Wandocalentedsol na sakay ni Hernandez.

Nahigitan ni Henson ang pangalawang puwestong pagtatapos nang unang diskartehan ang kabayo noong Nobyembre 15 at ang win ng dalawang taon colt na may lahing Warrior Song at Bengal Hot at pag-aari ni Michael Dragon Javier ay nagkaroon ng balik-taya sa win (P5.00).

Ang 5-3 forecast ay naghatid ng P11.00 dibidendo sa forecast. (AT)

ANG LOHRKES TOWER

ANG MIGHTY ZEUS

BENGAL HOT

DRAGON JAVIER

DREAM LOVER

HENSON

MANO MANO

NOBYEMBRE

SENI SEVIYORUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with