Si Petecio na lang ang natitirang pag-asa
JEJU CITY, South Korea – Inangkin ni Nesthy Petecio, ang tanging Filipina na naiwang kumakampanya para sa Pilipinas sa World Women’s Championships, ang kanyang ikatlong sunod na panalo matapos talunin si Ukrainian Maryna Malovana.
Ipinagbunyi ng kanyang mga nasibak nang kakamping sina Josie Gabuco at Irish Magno ang panalo ng 22-anyos na pambato ng Davao del Sur nang makausad sa featherweight (57 kg.) division.
Ang lahat ng tatlong judges ay binigyan si Petecio ng magkakatulad na 40-36 score.
Susunod na lalabanan ni Petecio si Lu Qiong ng China para makapasok sa medal round.
Anim na panalo ang kailangan ni Petecio para makopo ang gold medal sa torneo.
Kabuuang 280 boxers mula sa 67 bansa ang lumahok sa torneo na matatapos sa Lunes.
- Latest