^

PM Sports

Asian beach GAMES Gold medal hated ni windsurfer Coveta

Pang-masa

PHUKET, Thailand—Kumopo si windsurfer Geylord Coveta ng gold sa kanyang paboritong event sa 4th Asian Beach Games dito.

Nagtala si Coveta  ng 14 points matapos ang walong races tampok ang kanyang panalo sa final lap ng men’s RS:One event sa Karon Central Beach upang ibigay ang ikatlong gold medal sa Team Philippines.

Bumawi ang world champion mula sa Mabini, Batangas sa sixth-place finish sa Incheon Asian Games  kung saan lumaban ito sa men’s mistral imbes sa kanyang paboritong event.

Lumikom naman si Natthaphong Phonoppharat ng Thailand ng 19 points para sa silver habang ang Chinese na si Li Tao ang third placer sa kanyang 20 points.

Si Yancy Kaibigan, nagsanay kasama si Coveta sa Anilao, Batangas ay tumapos bilang 7th sa 12 na nag-laban sa kanyang 41 points.

Matapos pumanglima sa opening race, nanguna si Coveta sa tatlong karera at pumangalawa ng tatlong beses para talunin sina Phonoppharat at Li sa pababaan ng score.

Bunga nito, umakyat ang Philippines sa 11th overall mula sa 13th sa nalikom na tatlong gold medals, isang silver at apat na bronzes.

 

ASIAN BEACH GAMES

BATANGAS

COVETA

GEYLORD COVETA

INCHEON ASIAN GAMES

KARON CENTRAL BEACH

LI TAO

NATTHAPHONG PHONOPPHARAT

SI YANCY KAIBIGAN

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with